Thursday, August 28, 2008

Kung Ako'y Iiwan Mo

Basil Valdez classic

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo,
Sana'y dalhin mo rin ang puso ko
Na di rin titibok kundi sa 'yo,
Ang kagandahan ng ating mundo
Dalhin mo rin paglisan mo

Landas ng pag-iisa
Tatahakin ko, sinta,
Upang di mamasdan ang bagay na
Magpapasakit sa alaala,
Ngunit saan ako tutungo pa
Na di kita makikita?

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo,
Matitiis ko ba
Muli pang mag-isa,
Kapag wala ka na
Aking sinta?

Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan?
At may umaga ba
Sa ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan?
Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan?
At may umaga ba
Sa ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan?

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo,
Matitiis ko ba
Muli pang mag-isa,
Kapag wala ka na
Aking sinta?

Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan?
At may umaga ba
Sa ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan?

May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi?
May buhay pa kaya
Kapag ika'y wala?
Ang buhay ko kaya ay di madali?
May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi?
May buhay pa kaya
Kapag ika'y wala?
Ang buhay ko kaya ay di madali?

No comments: