Wednesday, October 22, 2008

Tila

A song full of hope from my favorite, Ms. Lani Misalucha

Tila inulan ang puso ko
Nang nanlamig ang 'yong pagsuyo
O bakit nagbago ang 'yong pagtingin
Parang malamig na panahon

At nang ikaw ay kinausap ko
Habang ang ulan ay bumubuhos
Nakita ko sa 'yong mga mata
Na gaganda ang panahon

Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bagyo
Kahit madilim ang kalawakan may nagtatagong
Sinag sa ulap

Tila inulan ang puso ko
Nang parang naglaho ang pagibig mo
O bakit ka kaya nagbago
Sinlamig ng panahon

Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bagyo
Liliwanag din ang kalangitan
At ang araw ay sisikat nang muli

Ang karimlan ay haharapin
Matatanaw ko rin
Bughaw na langit
Umaasang ang pagibig mo ay magbabalik
Pawiin mo ang lungkot sa puso ko
Kahit madilim ang kalawakan
May nagtatagong sinag sa ulap

Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bagyo
Liliwanag din ang kalangitan
At ang araw ay sisikat nang muli...

No comments: