Friday, November 14, 2008

Alipin

"Song for me daw"... - from my spouse

Di ko man maamin, ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid

Sana at iyong nariring

Sa 'yong yakap ako'y nasasabik...

Ayoko sa iba
Sa 'yo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso't pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya

Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid

Sana at iyong nariring

Sa 'yong yakap ako'y nasasabik...

Pilit mang abutin ang mga tala
Basta't sa akin wag kang mawawala

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin.....

No comments: